Condolence

Sa paglipas nang panahon, hindi natin namamalayan na palaki na tayo nang palaki.

Sa paglipas nang panahon, marami na tayong natututunan dito sa mundong kinalalagyan natin.

Sa paglipas nang panahon, marami na tayong kailangan, kagustuhan, pangarap, at mahal.

Sa paglipas nang panahon, marami na ang pinagbago sa mundo at sa tao.

At sa paglipas nang panahon, hindi natin namamalayan na maraming nagbuwis ng buhay, napapatay, namamatay, pinapatay. In short, may unti-unti na Siyang kinukuha sa’tin.

Oo masakit ang mawalan ng pinakaimportanteng tao sa buhay natin. Pero sa bandang huli, wala rin tayong nagagawa kundi ang tanggapin nalang. Kahit anong iyak natin at pagsisi natin sa sarili, and’yan na ‘yan. Kahit na ayaw ng utak na tanggapin ang lahat, at kahit na masakit sa puso, sa bandang huli ay matatanggap parin natin.

Kahit na nakasama lang natin sila sa maikling panahon, ‘wag nating kakalimutan na naging masaya rin sila noong nakasama nila tayo. Napasaya natin sila kahit sa simpleng bagay lang, sa pag-alala natin sa kanila, at sa pagmamahal na ibinahagi natin sa kanila.

Siguro kaya sila kinuha na ni God, ay hanggang dun nalang talaga sila. Masakit pero kailangang tanggapin. Mahihirapan din kasi silang umalis dito sa mundo kung patuloy lang tayong masasaktan dahil sa pagkawala nila.

"Kapag may mga taong napakaimportante sa buhay mo, iparamdam mo na agad sa kanila kung gaano mo sila kamahal bacause You Only Live And Die Once."

Posted 2 days ago / 11 : 54 / 0 notes

UNTITLED na nga lang!

Preoccupied ang utak ko ngayon *insert sad face*. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko. May kailangan pa akong tapusin pero heto ako ngayon, nagta-type ng kung ano-ano. Wala naman akong kaibigan kaya pinopost ko nalang dito.

Kung anu-ano nalang talaga ang pumapasok sa isip ko! HINDI AKO MAKAPAGCONCENTRATE SA GINAGAWA KO! *le cries pacific ocean*

*Inhale* *Exhale* *Inhale* *Exhale*

Sana matapos ko na ‘to bago ako makapagtype para sa story.

GO GO GO KAYLI! AJA AJA AJA! *fighting pose*

Infairness, kauna-unahang post ko ito! XD

Posted 4 days ago / 08 : 12 / 0 notes